^

Bansa

Pinas wala pang isinukong teritoryo sa China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pinas wala pang isinukong teritoryo sa China
Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng mga espekulasyon na isinuko na ng administrasyon ang Kagitingan Reef sa China matapos itong pasalamatan sa pagtatayo ng rescue center.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — ‘We have not, and we will never surrender any part of our territory!’

Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng mga espekulasyon na isinuko na ng administrasyon ang Kagitingan Reef sa China matapos itong pasalamatan sa pagtatayo ng rescue center.

Binigyang diin ni  Lorenzana na muling nanawagan ang pamahalaan sa China at iba pang bansang kaagaw nito sa teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea) na isapinal na ang katanggap-tanggap na Code of Conduct sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo.

Ang Spratly Islands sa West Philippine Sea ay pinag-aagawan ng Pilipinas, Brunei, Taiwan, Malaysia kung saan ang pinaka-agre­sibo ay ang China.

Sinabi ni Lorenzana na nananatili ang presensya ng AFP troops sa hurisdiksyon ng bansa sa Exclusive Economic Zone (EEZ) na kahit limitado ang resources ay mahigpit na binabantayan ma­ging ang pinakamalayo mang teritoryo ng bansa.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

KAGITINGAN REEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with