^

Bansa

NDRRMC umalerto na vs Onyok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng pagtama ng bagyong Onyok na nagbabadyang magdulot ng flashflood at landslide sa rehiyon ng Mindanao.

Ito’y sa gitna na rin ng pagiging abala ng mga opis­yal ng disaster agencies at ng lokal na pamahalaan sa malawakang pagbaha sa Bulacan at Pampanga gayundin sa pinsalang iniwan ng bagyong Nona sa Southern Luzon, Bicol Region, Central Luzon at Northern Samar.

Ayon sa NDRRMC, nakahanda na ang tropa ng mga sundalo at iba pang rescue units para tumulong sa paglilikas ng mga residente na posibleng maapektuhan ng mga pagbaha at ma­ging ng pagguho ng lupa. Handa na rin ang mga relief goods, mga kagamitan tulad ng military truck sa search and rescue operation at iba pa.

Nitong Biyernes ay itinaas na ang storm signal number 1 sa maraming mga lugar sa Mindanao kaugnay ng inaasahang pagtama sa kalupaan ni Onyok sa Caraga Region kung saan nagbubuhos na ito ng matinding mga pag-ulan sa Surigao del Sur at Davao Oriental.

At habang naghahan­da ang mga opisyal ng gobyerno sa posibleng epekto ni Onyok  kabilang ang pagpapatupad ng preemptive evacuation ay dumanaras naman ng matinding mga pagbaha ang lalawigan ng Pampanga at Bulacan dahil sa tubig na rumagasa galing sa Sierre Madre Mountain.

Sa ulat, dumaranas ng matinding mga pagbaha ang Central Luzon kabilang ang Nueva Ecija at Aurora.

Sa inisyal na ulat ng NDRRMC, umaabot na sa P935.192,943 M ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Nona. Naitala naman sa 165,554 pamilya o katumbas na 742,991 katao ang inilikas.

Nasa 2 lungsod  at 14 munisipalidad ang wala pa ring supply ng kur­yente habang patuloy na ginagawa ang mga linya ng telekomunikasyon sa Oriental Mindoro, Masbate, Romblon, Sorsogon, Eastern Samar, Northern Samar Western Samar.

Lumobo na rin sa 17 katao ang bilang ng mga nasawi at 20 ang nasugatan pero ayon sa mga opisyal sa mga apektadong rehiyon ay aabot na sa 31 ang namatay sa bagyo.

ACIRC

ANG

BICOL REGION

BULACAN

CARAGA REGION

CENTRAL LUZON

DAVAO ORIENTAL

EASTERN SAMAR

MGA

NBSP

ONYOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with