DepEd: Cellphone, puwede sa klase kung para sa pag-aaral
MANILA, Philippines — Pinahihintulutan ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng cellphone sa mga silid-aralan kung para ito sa pag-aaral ng mga estudyante.
Ayon kay Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, alinsunod sa general rule, hindi pinapayagan ang paggamit ng CP habang nagkaklase.
Gayunman, suportado aniya ng DepEd ang paggamit ng electronic gadgets kung para ito sa pagkatuto ng mag-aaral.
“It’s the general rule but if for learning, it’s allowed,” paliwanag pa ni Angara.
Matatandaang naging mahalagang bahagi ng pag-aaral ng mga estudyante ang CP, tablet at laptops lalo na nang magkaroon ng pandemic ng COVID-19.
- Latest