Tubbataha Reefs isa nang ASEAN Heritage Park
MANILA,Philippines – Opisyal nang ASEAN Heritage Park (AHP) ang Tubbataha Reefs Natural Marine Park sa Palawan (TRNMP).
Iginawad ng ASEAN Centre for Biodiversity ang AHP certificate sa TRNMP ngayong Huwebes.
Isa ang Tubbataha Reefs sa mga idineklara ng International Maritime Organization bilang “sensitive sea areas in the world.”
Tahanan ng mga nangingitlog na ibon at marine turtles ang 97,030-hektaryang bahura na isa ring Marine Protected Area (MPA) sa Palawan.
Ang Tubbataha ang ikapitong AHP ng Pilipinas.
Nasira ang ilang bahagi ng mga bahura matapos sumadsad ang US minesweeper na USS Guardian noong 2013.
Tatlong buwan ang inabot bago natanggal ang barko sa mga bahura.
Nitong Enero lamang nakapagbayad ang gobyerno ng Estados Unidos ng P87,033,570.71 ($1.97 million) bilang danyos sa insidente.
- Latest