^

Bansa

Malamig na panahon hanggang Marso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malamig pa rin ang panahon ngayon hanggang sa Marso.

Sinabi ni Czar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, nananatiling nasa bansa ang hanging amihan kayat malamig pa rin ang panahon ngayon.

“Nitong mga nagdaang araw na mainit ang panahon, humina ang amihan pero andito pa siya at hindi pa siya umaalis, tatagal pa siya sa bansa sa second week ng March,” paliwanag ni Aurelio.

Sa bahaging Northern Luzon lamang naramdaman ang pag-init ng panahon dahil humina dito ang amihan dahil kumonti ang water vapor sa hangin.

Dahilan sa anya’y wala na ang El Niño, hindi mapapaaga ang pagpasok ng summer season sa bansa.

Sinasabing noong nagdaang taon, maagang pumasok ang summer season dahil sa pagpasok ng El Niño phenomenon o panahon ng tag-init.

Hanggang weekend maaliwalas ang panahon sa bansa laluna sa Metro Manila.

AURELIO

CZAR AURELIO

DAHILAN

EL NI

HANGGANG

MALAMIG

MARSO

METRO MANILA

NORTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with