Kidney transplant coverage, pinalawak ng PhilHealth sa P2.1 milyon

MANILA, Philippines — Pinalawak pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang benefit package para sa mga kidney transplant patients.
Ayon sa PhilHealth, umaabot na ngayon sa hanggang P2.1 milyon ang benefit package kada transplant mula sa P600,000 lamang.
Bukod pa rito ang pinalawak din na suporta para sa dialysis at maintenance care ng mga pasyente.
Inanunsiyo rin ng mga opisyal ng PhilHealth ang nationwide implementation ng enhanced benefit package para sa adult at pediatric post-kidney transplant patients.
Tinukoy rin nila ang patuloy na rollout ng kanilang Konsulta program, na nag-aalok ng libreng medical consultations, laboratory tests, at mga gamot sa mga paaralan at komunidad.
Sa pagbisita ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), personal niyang nasaksihan ang paglulunsad ng bagong benefit scheme.
Ayon pa sa PhilHealth, ang dialysis coverage ay itinaas na rin umano sa halos P1 milyon kada pasyente at kasama na rin sa mga benepisyo ang mahahalagang maintenance medicines at laboratory tests.
- Latest