Pangulong Marcos: Pinoy na may CKD pabata nang pabata

MANILA, Philippines — Ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang datos na pabata nang pabata ang mga Pinoy na tinatamaan ng sakit sa bato o chronic kidney disease (CKD).
Sa kanyang pagbisita sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa paglulunsad ng mga bagong benepisyo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa mga may sakit sa bato, personal na nakita ng Pangulo ang isang bata na dina-dialysis sa NKTI.
Bunsod nito kaya inutos ng Pangulo sa Department of Health (DOH) na gumawa ng programa para pigilan ang pagdami ng bilang ng mga Pilipino na nagkakaroon ng CKD.
Paliwanag naman ni Health Secretary Ted Herbosa, karamihan na pinagmulan ng CKD ay dahil sa diabetes at hypertension.
Naalarma rin aniya ang Pangulo dahil posibleng dahil sa mataas na sugar content ng ating mga kinakain, kaya utos niya na gawan ng paraan para mabawasan ito.
Para hindi magkasakit sa bato, pinayuhan ng Pangulo ang mga kabataan na umiwas sa matatamis na pagkain.
Ito ay para hindi magkaroon ng diabetes na kinalaunan ay nauuwi sa problema sa kidney.
- Latest