^

Bansa

2 Pinoy seafarers na hinostage ng Haitis noong Abril, nakauwi na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas nang nakauwi sa kanilang mga pamilya ang dalawang Pinoy seafarers na unang hinostage ng mga Haiti noong Abril.

Nabatid na ang dalawang seafarers, na kapwa tripulante ng MV Century Royal, ay personal na nakadaupang-palad nina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, kasama sina Undersecretaries Bernard P. Olalia at Felicitas Q. Bay, Assistant Secretary Maria Regina Galias, at DMW Directors, sa kanilang Central Office sa Mandaluyong City kamakalawa.

Ayon sa DMW, ang mga biktima ay pinagkalooban din naman ng DMW ng tig-P75,000 na tulong sa ilalim ng AKSYON Fund sa pagdating nila noong Mayo 23 at Hunyo 17.

Nakatakda rin umano silang pagkalooban ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng karagdagan pang suporta, partikular na ang kanilang mga anak.

Paniniguro pa ng DMW, nakikipag-ugna­yan na sila sa manning agency ng mga seafa­rers upang matiyak ang kanilang full recovery at mapagkalooban sila ng suporta, alinsunod na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga Overseas Filipino Wor­kers (OFWs) in distress at tiyakin ang kanilang reintegrasyon sa komunidad.

OWWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with