Libreng sakay sa MRT sa Labor Day
MANILA, Philippines – Libreng sakay ang hatid ng Department of Labor and Employment para sa mga manggagawa sa kanilang araw sa Mayo 1.
Sinabi ni DOLE secretary Rosalinda Baldoz ngayong Martes na iniutos ni Transportation and Communications Secretary Emilio Abaya ang pagbibigay ng libreng sakay sa MRT.
"Secretary Joseph Emilio A. Abaya of the Department of Transportation and Communications (DOTC) said Labor Day is of national significance, hence, he had directed MRT3 General Manager Attorney Al S. Vitangcol III to ensure that the celebration would be a success," wika ni Baldoz.
Maaaring makalibre ang mga manggagawa mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Kinakailangang magpakita ng company ID at isulat ang pangalan sa may gate ng bawat istasyon bago makasakay ng libre.
Sinabi pa ni Baldoz na inaantay pa nila ang sagot ng Light Rail Transit Authority kung magbibigay din sila ng libreng sakay.
“The DOLE celebrates the 2014 Labor Day as a tribute to the nation's workers and to their significant contribution to the country's development and to highlight their achievements as a major socio-economic pillar of Philippine society,†Baldoz.
- Latest