PNP heightened alert na
MANILA, Philippines - Inilagay na ng PhiÂlippine National Police (PNP) sa heightened alert status ang buong puwersa nito simula ngayong Lunes kaugnay ng nalalapit na paggunita sa Holy Week.
Ayon sa PNP, magdaragdag na sila ng mga tauhan sa mga terminal ng bus na tutulong sa mga pag-iinspeksyon sa mga dalahin ng mga pasaherong luluwas sa mga probinsya.
Bagama’t pagpasok pa lamang ng buwan ng April ay handa na ang buong kapulisan, mas todo higpit ang seguridad ngayong ilang araw na lamang ay idaraos na ang Semana Santa.
Nais ng PNP na matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero kaya nagÂlagay na sila ng mga police assistance desk sa mga bus terminals sa kamaynilaan.
Nauna rito, inatasan ng DILG ang PNP na patuloy na ipatupad ang police visibility patrol at checkpoints para masawata ang krimen at iba pang banta sa seguridad at katahimikan ng okasyon.
Kailangan anya ang pagpapatrulya ng PNP sa mga itinuturing na lugar na madalas may krimen upang mabantayan ang posibleng pag-atake ng mga masasamang eleÂmento lalo na ang grupong Akyat Bahay sa mga kabahayang iiwan ng mga residente.
Pinaalalahanan naman ng Bureau of Fire Protection ang publiko na manatiÂling maging alerto lalo na sa mga kasangkapan tulad ng LPG at mga electrical devices na maaring pagmulan ng sunog.
- Latest