^

Bansa

Pangulong Marcos, First Lady balik-Pinas mula Vatican

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, First Lady balik-Pinas mula Vatican
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), dakong alas-7 kahapon ng umaga ng dumating ang First Couple matapos ang maiksing biyahe sa Vatican City.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos matapos dumalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican noong Sabado.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), dakong alas-7 kahapon ng umaga ng dumating ang First Couple matapos ang maiksing biyahe sa Vatican City.

Huwebes ng gabi ng tumulak patungong Vatican ang Pangulo at Unang Ginang.

Bago naman bumalik sa bansa ay nagkaroon ng side-trip ang Pangulo at Unang Ginang kung saan nagkaroon ng romantikong hapunan ang dalawa sa Rome, Italy na ayon sa post sa social media page ni FL Liza ay anniversary dinner nila ng Pangulo.

Bukod sa Pangulo at Unang Ginang, kasama nilang nakipaglibing sina U.S President Donald Trump, King Philipp VI ng Spain, Ukraine President Volodymyr Zelensky, Prince William ng Great Britain, United Kingdom Prime Minister Keir Starmer, French President Emmanuel Macron at iba pa.

Sinabi ng PCO na walang official na schedule ang Pangulo nitong Lunes.

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with