Job fair para sa graduates sabay-sabay isasagawa ng DOLE
MANILA, Philippines -Sabay-sabay na magsasagawa ng mahigit na 100 magkakasunod na graduation job fairs ang Department of Labor and Employment ngayong Marso sa buong bansa.
Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, napapanahon ang job fairs dahil maraming estudyante ang magtatapos ngayong buwan.
“At the onset of summer and as graduation time draws near, my advice once again to jobseekers and graduating students is to be ready to visit and participate in the DOLE’s job fairs,†sabi ng kalihim.
Kabilang sa mga iaalok na job vacancies ay mula sa agribusiness, construction, information technology o IT, banking, education at maraming iba pa.
“The available jobs in the job fairs are mostly in the following industries: agribusiness, construction, IT/ Business Process Management, health and wellness, hotel, restaurant and tourism, wholesale and retail trade, banking and finance, mining, transport and logistics, manufacturing, real estate, power and utilities, and education, which are all identified in the new Project JobsFit: DOLE 2020â€, ani Baldoz.
Ang pagsasagawa ng job fairs ay upang mailapit sa mga aplikante ang mga bakanteng trabaho sa kanilang mga rehiyon.
Pinayuhan ng kalihim ang mga newly graduates o magsisipagtapos na bisitahin ang kanilang website na phil-jobnet.dole.gov.ph para sa listahan at schedule ng job fair.
Ang job fairs ay gagawin sa mga piling venue sa Region 1 hanggang Region 13.
- Latest