Mga lungsod, bayan mababangkarote
MANILA, Philippines - Kakulangan sa kinikita, off-book liabilities at sobrang gastusin bunsod ng pinalobong badyet ang tatlong posibleng dahilan kaya maraming pamahalaang lokal ang nagkakaproblema sa pera.
Tinayak ni Gatchalian na patuloy na magdurusa ang mga LGU o local government unit kung hindi tutugunan ang naturang mga problema at kung walang malinaw na paraan para makabawi ang mga ito.
“Hinggil sa revenue shortfall (kakapusan sa kinikita), hindi naisasakatuparan ang tinatayang koleksyon ng mga LGU dahil sa palpak na pagkolekta, tiwaling kolektor, pananamlay ng ekonomiya, kalamidad at iba pa,†sabi ni Gatchalian na dati ring three-term mayor sa Valenzuela.
Kaugnay ng mga ulat na maraming lungsod at bayan ang namimintong mabangkarote, nanawagan ang Department of Interior and Local Government ng imbestigasyon para silipin ang mga report na ilang dating administrasyon ang sumaid sa kabang-bayan ng mga bayan at lungsod.
Ilan na ngang LGU ang naghihigpit ng sinturon dahil sa matinding kakapusan sa pondo.
Pero pinuna ng kongresista ng Valenzuela na kung minsan, pinalolobo ng ilang mga LGU ang kanilang mga badyet pero hindi naisasakatuparan ang inaasahang koleksyon. Isa pa anya ang off-book liabilities at payables na nakasandig sa mga demanda at pagdinig sa korte. Kadalasan sa off-liabilities ang expropriation cases.
“May ilang LGU ang nagkakaroon ng over-project revenue collection at pinapalaki pa ang tinatayang gastusin. Dahil mas malaki ang kanilang badyet sa gastusin, nagkakaroon sila ng tendensiyang gumasta pang lalo na mas malaki kumpara sa nakokolekta nila. Nagbubunga ito sa paghihigpit sa paglabas ng pondo lalo na sa 3th at 4th quarter ng taon,†sabi pa ng mambabatas.
- Latest