^

Bansa

Kamara kakalampagin sa death bills

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakalampagin ng Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) sa pagbubukas ng 16th Congress ang dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa mga death bills na nakabinbin.

Binigyan diin ni CBCP-Episcopal Commission on Family and Life chairman Antipolo Bishop Gabriel Reyes na kailangan pang palawakin ang information campaign laban sa mga death bill at anti-family bill sa Kongreso tulad ng divorce, same sex marriages, euthanasia, abortion at total reproductive bill.

Itinuturing namang tagumpay ni Bishop Reyes ang pagkapanalo ng anim na pro-life senators sa nakaraang 2013 midterm elections na dagdag sa apat na incumbent pro-life senators.

Umaasa ang Obispo na paghahandaan at tututulan ng mga nanalong pro-life senators ang mga death bill, anti-life at anti-family bill na nakahain sa Senado.

Bagama’t aminado na marami pa ring pro-RH law ang nanalo sa nakaraang halalan ay umaasa ang Obispo na mari-repeal ang RH law.

Inamin din nito na marami pa rin ang kandidato na nanalo sa halalan sa kabila ng mga imoral na gawain o pagkakaroon ng higit sa isang asawa dahil na rin aniya sa kulang pa rin ang mga botante sa kaalaman upang maging matalino sa pagpili ng kandidato at pagwawaksi sa vote buying na hanggang ngyayon ay umiiral pa rin tuwing halalan.

ANTIPOLO BISHOP GABRIEL REYES

BAGAMA

BINIGYAN

BISHOP REYES

CATHOLIC BISHOPS CONFE

EPISCOPAL COMMISSION

FAMILY AND LIFE

INAMIN

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with