^

Bansa

Inalok ni PNoy Loren next Senate Prexy?

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalok umano ni Pangulong Benigno Aquino lll si Sen. Loren Legarda upang maging kapalit na lider ng Senado, ayon sa mapagkakatiwalaang source sa Malacañang.

Sinabi ng impormante, dalawang beses umanong inalok ni Pangulong Aquino si Sen. Legarda para pamunuan ang Senado kapalit ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa pagpasok ng 16th Congress, ay inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado dahil sa pagpasok ng bagong halal na 12 senador, kung saan ang 9 ang nagmula sa Team PNoy at 3 lamang ang galing sa United Nationalist Alliance (UNA).

Kabilang sa lumulutang na nais pumalit kay Enrile ay sina Sen. Franklin Drilon na campaign manager ng Team PNoy at Sen. Alan Peter Ca­yetano ng Nacionalista Party (NP). Nagpahayag na din si Sen. Serge Osmeña na hindi siya interesado sa posisyon.

Naunang Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto lll na nakahandang bumaba sa puwesto si Enrile sa sandaling makakuha ng sapat na bilang ang nagnanais sumungkit sa liderato ng Senado.

Kapag nagkataon na makuha ni Legarda ang posisyon ni JPE ay siya ang kauna-unahang lady Senate president.

vuukle comment

ALAN PETER CA

ENRILE

LEGARDA

LOREN LEGARDA

NACIONALISTA PARTY

NAUNANG SINABI

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with