^

Bansa

Kalansay ng 80 US soldiers noong WWII hahanapin sa Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) na tumulong sa paghahanap sa mga bungo at kalansay ng 80 Amerikanong sundalo na kabilang sa mga naging Prisoner of War (POW) na idineklarang Missing in Action (MIA) sa bansa noong World War II.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. na nagkasundo ang mga opisyal ng pamahalaan at Amerika na simulan na ang search operation sa mga lugar na posibleng kinalibi­ngan ng 80 sundalong Kano na POWs noong WW2. 

Ang Joint POW/MIA Accounting Command (JPAC) na nakabase sa Honululu ang magsasagawa ng pandaigdigang paghahanap, pagrekober at pagsasagawa ng laboratory examinations upang makilala ang may 83,000 nawawalang mga Amerikanong sundalo na lumahok sa giyera kabilang ang nasa 80 MIA sa Pilipinas.

 â€œA nine-member investigation team will work with Philippine partners to authenticate leads from eyewitnesses and conduct field research at numerous locations throughout the Philippines to determine whether a return visit for excavation is merited,” ayon naman sa ipinada­lang press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps.

Bahagi ng kasunduan ay kailangang irespeto ng mga tauhan at opisyal ng JPAC ang lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas gayundin ang batas, regulasyon, tradisyon at paniniwala ng mga Pinoy.

 

ACCOUNTING COMMAND

AMERIKANONG

ANG JOINT

ARMED FORCES OF THE PHI

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

DEFENSE PRESS CORPS

PILIPINAS

PRISONER OF WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with