^

Bansa

Bentahan ng GRO sa Japan patuloy

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang mapapariwara ang buhay ng ilang kababaihang nire­rekrut ng sindikato na pinamumunuan ng isang Hapones at misis nitong Pinay at ibinebenta sa mga  kilalang night club sa Japan sa malaking halaga.

Ito ang isiniwalat ng source laban sa grupo na nagkukunwaring customer sa mga night club sa Metro Manila partikular na sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Pasay at Parañaque City.

Lumilitaw na apat na kababaihang namamasukan sa mga nasabing establisimyento ang narekrut kung saan hindi natukoy na lugar sa Japan dinala.

Modus operandi ng sindikato na hikayatin ang ilang kababaihan na pakasalan ang nagpapanggap na turistang Hapones sa bansa upang makakuha ng visa patungong Japan.

Lahat ng gastusin sa biyahe partikular na ang plane ticket ay sinasagot ng sindikato kung saan babawiin naman kapag naibenta na ang nakumbinsing babae.

Sinasabing tumatayong rekruter ang nagpakilalang alyas Ken Yamamoto ng Yokohama, Japan at ang asawang Pinay na alyas Marissa na nagpapanggap na customer sa ilang videoke bar at night club sa mga nasabing lugar para makapangalap ng biktima.

Kapag pumayag ang narekrut na guest relations officer (GRO) ay itatakda ang kasal sa bahagi ng isla sa Puerto Galera at susunduin ang sinasabing hukom para idaos ang kasal.

Dito na aayusin ng grupo ang mga kaukulang dokumento ng babae para makapunta sa Japan patungo sa naghihintay na mga may-ari ng club na tinatawag na “Death Road to Osaka.”

DEATH ROAD

DITO

HAPONES

KAPAG

KEN YAMAMOTO

METRO MANILA

PINAY

PUERTO GALERA

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with