^

Bansa

3 estudyante todas sa school shooting!

Doris Franche-Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 estudyante todas sa school shooting!
Sa ulat ng pulisya, ilang putok ng baril ang narinig habang may klase, dahilan upang mag-panic ang mga estudyante at guro. Dead-on-the-spot ang isang babae at isang lalaki habang dead-on-arrival ang isa pang babaeng estudyante. Pitong iba pang estudyante ang nasugatan at isinugod sa ospital para sa gamutan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlong estudyante ang nasawi habang 13 ang sugatan sa naganap na pamama­ril sa San Jose National High School, kahapon ng ­umaga sa Tacloban City.

Sa ulat ng pulisya, ilang putok ng baril ang narinig habang may klase, dahilan upang mag-panic ang mga estudyante at guro. Dead-on-the-spot ang isang babae at isang lalaki habang dead-on-arrival ang isa pang babaeng estudyante. Pitong iba pang estudyante ang nasugatan at isinugod sa ospital para sa gamutan.

Agad na naaresto ng mga awtoridad ang 14 at 15-anyos na Grade 9 students ng naturang paaralan, sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.

Unang nadakip ang isa sa mga suspek, na anak ng isang sundalo at residente ng Brgy. San Jose habang ang ikalawang suspek naman ay naaresto sa isinagawang hot pursuit operation sa parehong barangay. Na­rekober mula sa mga suspek ang isang 9mm pistol at isang kalibre .38 revolver na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril.

Tiniyak ng Police Regional Office-8 (PRO-8) na patuloy ang imbestigasyon sa insidente at nagtalaga na ng karagdagang pulis sa lugar upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.

Ayon kay Police Col. Noelito Getigan, hepe ng Tacloban City Police Office, kabilang sa mga tinitingnang motibo ang umano’y pambu-bully na naranasan ng mga suspek. Patuloy na ini-intero­gate ng mga awtoridad ang dalawang menor-de-edad na suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, sinuspinde ang mga klase sa San Jose National High School, San Jose Central School at Manlurip Elementary School kasunod ng insidente.

Kinondena na rin ng Department of Education Regional Office 8 (DepEd-8) Regional Director Alustiano Jimenez ang naganap na pamamaril kasabay ng pakikiramay sa mga naulila ng tatlong estud­yante.

Ayon kay Jimenez, agad na nakipag-ugna­yan ang DepEd-8 sa Phi­lippine National Police (PNP), Schools Division Office ng Tacloban City, at pamunuan ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at kawani.

Nakikipag-ugnayan din ang tanggapan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensiya upang maibigay ang kinakailangang tulong at psychosocial support sa mga naapektuhang estud­yante at personnel.

SHOOTING

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with