^

Bansa

Murder isinampa vs 15-anyos shooter

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Murder isinampa vs 15-anyos shooter
The entrance gate of San Jose National High School in Tacloban City where the deadly shooting transpired on June 22, 2026.
PNA photo by Sarwell Meniano

14-anyos lusot sa criminal liability

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng patung-patong na ­reklamo ang 15-­anyos na estudyanteng sangkot sa pamama­ril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Ayon sa Police Regional Office 8, isinampa ang 3 counts of murder, 3 counts of frustrated murder, at multiple counts of serious physical injuries laban sa 15-anyos na suspek.

Paliwanag ng pulisya, ang 15-anyos lamang ang kinasuhan matapos isagawa ang krimen na may pang-­unawa o discernment batay sa isinasaad ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Samantala, walang kasong isinampa laban sa 14-anyos na suspek dahil exempted ito sa criminal liability sa ilalim Juvenile Justice and Welfare Act, nguni’t sasailalim sa intervention program.

Sa resulta ng paraffin test, nagpositibo sa gunpowder nitrates ang kanang kamay ng dalawang menor-de-edad. Nagpositibo rin ang baril na ginamit sa insidente, na nagpapakitang ito ay pinaputok.

Nabatid kay PLtCol. Analiza Armeza, tagapagsalita ng Eastern Visayas police, sa panayam ng ABS-CBN na bago nagpaputok ang dalawang suspek ay tila naghahanap umano ng isang partikular na indibidwal mga ­estu­dyante.

Ayon sa imbestigasyon, pumunta muna ang dalawang suspek sa nabanggit na paaralan upang hanapin ang kanilang pakay. Ngunit nang hindi nila ito matagpuan, naglakad umano sila sa pasilyo at nagpaputok sa mga silid-aralan na kanilang nadaanan.

Sinabi ni Armeza na patuloy pang iniimbestigahan kung sino ang tinutukoy na target at kung may kaugnayan ito sa umano’y karanasan ng mga suspek sa pambu-bully.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office ang dalawang menor de edad.

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with