Win: Presiding officer sa impeachment ‘di pa pinal

MANILA, Philippines — Wala pang pinal na desisyon kung sino ang tatayong presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian noong Miyerkules.
Sinabi ni Gatchalian na sa Rules of Procedure on Impeachment Trials, ang Senate President ang dapat mamuno sa mga proseso ng impeachment.
“Sa ilalim ng aming mga patakaran, ang presiding officer ng impeachment maliban sa Pangulo ay ang Senate President,” sabi ni Gatchalian.
Pero sa Rules aniya, kung ang tingin ng Senado ay dapat mag-appoint ng iba, puwede rin ’yung pag-usapan.
“We serve as the presiding officer based on the rules, but if the Senate believes another senator should be appointed, that can also be discussed,” ani Gatchalian.
Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na hindi pa pormal na napag-uusapan ng mga senador ang usapin.
Sa ilalim ng kasalukuyang Rules of Procedure sa mga impeachment trials, ang Pangulo ng Senado ang namumuno sa mga kaso ng impeachment. Gayunpaman, ang iminungkahing Senate Resolution No. 430 ay naglalayong amyendahan ang tuntunin sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Senado na maghalal ng isang senador bilang presiding officer sa pamamagitan ng majority vote.
Si Duterte ay nahaharap sa mga kasong impeachment dahil sa mga paratang na culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang mabibigat na krimen.
Noong Mayo, siya ay na-impeach ng House of Representatives sa pangalawang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.
- Latest




















