^

Bansa

PNP: Shooter sa Tacloban dumalo sa flag ceremony, nagtago sa CR ng iskul

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP: Shooter sa Tacloban dumalo sa flag ceremony, nagtago sa CR ng iskul
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, officer-in-charge ng PNP Public Information Office, dumating sa San Jose National High School sa Barangay 87, Tacloban City alas-7:30 ng umaga ang 14-anyos na suspek na tinukoy sa alyas na “Nash” upang dumalo sa flag ceremony.
Philippine National Police Facebook page

Bago ang pamamaril

MANILA, Philippines — Dumalo muna sa flag raising ­ceremony ang isa sa dalawang suspek sa madugong pamamaril sa loob ng paaralan sa Tacloban City bago nagtago sa comfort room (CR) at isinagawa ang krimen kasama ang kanyang kasabwat.

Ayon kay PCol. Allen Rae Co, officer-in-charge ng PNP Public Information Office, dumating sa San Jose National High School sa Barangay 87, Tacloban City alas-7:30 ng umaga ang 14-anyos na suspek na tinukoy sa alyas na “Nash” upang dumalo sa flag ceremony.

Matapos nito ay nagtago siya sa CR ng paaraalan hanggang sa samahan siya ng kanyang 15-anyos na kasabwat na si alyas “Rod.” Bandang alas-9 ng umaga nang lumabas ang dalawa at naglibot muna bago nagpaputok sa loob ng paaralan dakong alas-9:20 ng umaga.

Tatlong katao ang nasawi habang 20 iba pa ang nasugatan sa insidente bago naaresto ang dalawang suspek.

Dalawang silid-aralan ang pinaputukan ng mga suspek at may ilan pang sinubukan umanong habulin. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung may partikular na target ang mga ito o basta na lamang nagpaputok sa sinumang makita.

Lumabas sa imbestigasyon na si “Nash” ang nagpaputok ng karamihan sa mga bala. Parehong nagpositibo sa gunpowder nitrates ang dalawang suspek batay sa isinagawang paraffin test.

Mabilis namang napigilan si “Rod” nina Police Corporal Melchor Homo at FO2 Ludwig Edrick Zosa bandang alas-9:30 ng umaga. Isang putok lamang umano ang kanyang naipaputok.

Alas-11:15 ng umaga nang mada­kip si “Nash” sa tulong ng isang sibilyan. Narekober sa kanya ang isang bag na naglalaman ng Glock 17 pistol, foldable baton, bonnet, puting sweatshirt, vest, firearm holster at puting T-shirt.

Ayon naman kay Police Regional Office 8 Director PBGen. Jason Capoy, mahigit isang buwan nang pinaplano ng dalawang suspek ang pag-atake. Sinisiyasat din ng pulisya kung may naging impluwensiya ang larong GoreBox sa insidente. Napag-alaman na natutuhan umano ng pa­ngunahing suspek ang ilang kaalaman sa paghawak at paggamit ng baril, kabilang ang paglalagay at pagtanggal ng magazine at pagre-reload.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na nakuha umano ni “Nash” ang ginamit na 9mm Glock 17 mula sa kanyang tiyahing pulis, habang ang .38 caliber revolver naman ng kanyang kasabwat ay nagmula umano sa isang security agency sa Cebu.

Iniimbestigahan na rin ang policewoman-aunt upang matukoy kung paano napunta sa suspek ang kanyang service firearm.

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with