PANOORIN: Gamot kapalit ng intel info, 'first time' nakita sa OVP – COA auditor
MANILA, Philippines — Hindi raw normal ang pagbibigay ng gamot kapalit ng intelligence information, ayon sa dating Commission on Audit (COA) Intelligence and Confidential Funds Audit Office auditor na si Roderick Wamil.
Sinabi ito ni Wamil sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Aug. 5, matapos siyang tanungin ni senator-judge Risa Hontiveros tungkol sa ganitong uri ng transaksyon.
Tinanong ni Hontiveros kung karaniwan bang magbigay ng gamot kapalit ng intelligence information.
"Hindi po siya normal po, your honor," ani Wamil.
Nang tanungin ni Hontiveros kung nakaranas na ba siya noon ng ganitong sitwasyon, sinabi ni Wamil na hindi pa.
"Hindi pa po. First time po doon sa may OVP po, your honor," aniya.
Binanggit din ni Hontiveros ang isang acknowledgment receipt kung saan nakatanggap umano si Mary Grace Piattos ng P70,000 halaga ng gamot bilang pabuya.
Tinanong ng senator-judge kung ano ang sakit ng recipient, ngunit sinabi ni Wamil na wala siyang kakayahang malaman ito dahil hindi ito nakasaad sa mga dokumentong isinumite sa COA.
Si Wamil ay tumestigo kaugnay ng Article I ng impeachment complaint laban kay Duterte, na tumatalakay sa umano'y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President.
- Latest




















