Francisco lumakas, 1 pang LPA namataan
MANILA, Philippines — Patuloy na lalakas ang bagyong Francisco na pumasok sa Philippine Area of Responsbility (PAR) Linggo ng gabi, pero hindi ito magiging isang Super Typhoon.
Ayon sa Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong Martes maaabot ni Francisco ang kanyang peak intensity na hanggang 175 kilometers per hour na lakas pero mababa ito sa super typhoon threshold.
Kahapon alas-10 ng umaga, ang sentro ni Francisco ay namataan sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 155 kph at pagbugso na 190 kph. Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Hindi inaasahang mag-landfall ang bagyo sa alinmang panig ng bansa. Si Francisco ay takdang mag-U Turn malapit sa Batanes-Babuyan area mula ngayong Martes hanggang sa Huwebes.
Inaasahan naman ang pagbagal ng bagyo sa Miyerkules at lalapit sa silangan ng Batanes.
Lalabas ng PAR si Francisco sa Biyernes, pero may isa pang low pressure area (LPA) ang patuloy na sinusubaybayan na nasa labas ng PAR. May medium chance ito na maging bagyo pero hindi inaasahang papasok sa bansa.
- Latest

















