10-anyos edad ng criminal liability muling itinulak

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Sen. Robin Padilla na dapat ibaba sa 10 taong gulang ang edad na maaring sampahan ng kaso matapos ang insidente ng pamamarin sa isang paaralan sa Tacloban City.
Naniniwala si Padilla na panahon na para amiyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act dahil dumarami na ang krimen na kinakasangkutan ng mga kabataan na hindi naman basta-basta puwedeng ikulong dahil sa batas.
Ipinaliwanag ni Padilla na nais niyang ibaba sa 10 ang edad ng criminal liability dahil ito ang sinusunod ng mga bansa sa Europa.
“Sa Europe kasi ganoon na eh. Marami din sa Asia ganoon na. Bakit hindi natin gayahin sila tutal tayo naman eh ipinagmamalaki natin na yung mga good practices, mga best practices ng ibang bansa ay sinusunod natin. Bakit hindi natin gawin ‘yun?” ani Padilla.
Aniya, sa Europe mismo na sinasabing nandoon ang “human rights” ay 10 taong gulang ang sinusunod na edad para sampahan ng kasong kriminal ang isang nagkasala.
Idinagdag ni Padilla na sunud-sunod na ang mga naitatalang krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan kaya panahon na upang aksiyunan ng Kongreso ang kanyang panukala.
- Latest

















