SONA preparations plantsado na
MANILA, Philippines — Halos tapos na ang paghahanda ng Kamara para sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27. Kasama rito ang mas mahigpit na seguridad at upgrades sa mga pangunahing pasilidad.
Ayon kay House Engineering and Physical Facilities Department (EPFD) Deputy Sec. Gen. Engr. Renato dela Torre, naging maikli ang preparasyon dahil sa sunud-sunod na mahahalagang aktibidad gaya ng pagho-host ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) at ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Although medyo late, on-schedule pa rin naman tayo in terms of preparation for SONA 2026,” paliwanag ni Dela Torre.
May mga nakatalagang teams para sa bawat bahagi ng gusali na ina-upgrade upang hindi maapektuhan ang kahandaan sa SONA.
Sa plenary hall, nananatili ang seating arrangements, kapasidad ng guests, at holding areas matapos ang interagency planning meetings.
Ang paligid ng flagpole ay inayos at nilagyan ng landscape sa tulong ng MMDA. Final na rin ang koordinasyon sa Legislative Security Bureau para sa seguridad.
Naghanda ang Institutional Information and Design Service (IIDS) ng emergency preparedness video na ipapalabas bago magsimula ang SONA.
- Latest





















