^

Bansa

DOTr: Taas pasahe sa PUV inaaral na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOTr: Taas pasahe sa PUV inaaral na
Daily commuters pay for their jeepney fare in Marikina
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibleng taas pasahe at cash aid sa gitna ng panibagong banta ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo dulot ng muling pagtaas ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Palace Press Officer (PCO) Undersecretary Claire Castro, inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na i-assess ang sitwasyon at magrekomenda ng mga hakbang para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis habang pinoprotektahan naman ang consumers mula sa mataas na transport at commodity costs.

“Ang nais ng ­Pangulo ay walang maiwan; kailangan matulungan ang lahat sa tamang pamamaraan at sa ­balanseng pamamaraan,” ayon pa kay Castro.

Kinikilala naman ­aniya ng gobyerno na ang mataas na persyo ng produktong petrolyo ay magdudulot ng pagtaas hindi lang ng pasahe kundi ng pangunahing presyo ng bilihin.

Tiniyak naman ni Castro na pinag-aaralan na ng gobyerno ang sakop ng apela ng transport group na Pasang Masda para ipatupad ang P1 provisional fare increase na sinuspinde nitong unang buwan ng taon.

“Kasabay po ito sa pag-aaralan sa ngayon para po tama ang ating pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan sa transport sector para hindi sila maiwan,” ayon pa kay Castro.

Patuloy rin aniyang magbibigay ng tulong ang gobyerno sa mga consumers kahit na ikinokonsidera ang tulong sa transport operators.

DOTR

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with