^

Bansa

Dizon: 9 paliparan, isasapribado sa 2028

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dizon: 9 paliparan, isasapribado sa 2028
Public Works Secretary Vince Dizon speaks during a press conference at the DPWH headquarters in Manila on Thursday, Oct. 16, 2025.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nakatakdang isa­pribado ng pamahalaan ang siyam pang paliparan sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, plano ng ahensya na ilipat sa pribadong sektor ang operasyon ng siyam na regional airport sa pamamagitan ng solicited bidding sa ilalim ng public-private partnership (PPP) program.

Sinabi ni Dizon na makatutulong ang hakbang upang mapahusay ang pamamalakad at serbisyo sa mga paliparan.

Aniya, layunin ng administrasyong Marcos na palawakin pa ang paggamit ng PPPs bilang isa sa mga pangunahing pamana nito sa imprastraktura.

Kabilang sa mga paliparang nakatakdang isapribado ang mga nasa Davao, Siargao, at Bicol, na inaasahang maia-award sa unang bahagi ng 2027.

Bukod dito, nakatakda ring isailalim sa soli­cited PPP ang mga paliparan sa Iloilo, Bacolod, Puerto Princesa, Busuanga, General Santos, at Tacloban.

Nabatid na ang Iloilo Airport ay iaalok bilang isang package, habang ang limang iba pang pali­paran ay pagsasama-samahin sa dalawa o tatlong bundle para sa bidding.

Una nang isinailalim ng pamahalaan sa PPP model ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Bohol-Panglao International Airport, at Bicol International Airport.

VINCE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with