^

Bansa

Visa fee pa-Japan tataas ng 5 beses

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula Hulyo 1, 2026, ipatutupad ng pamahalaan ng Japan ang bagong bayarin para sa mga visa ng mga dayuhan.

Ayon sa ulat, napagpasyahan sa isang ministerial meeting na itaas ang singil sa single-entry visa mula ¥3,000 (P1,133.95) tungo sa 15,000 Yen (P5,671.00). Samantala, ang multiple-entry visa ay tataas mula ¥6,000 (P2,267.73) tungo sa ¥30,000 (P11,300).

Ang desisyon, na ginawa sa pulong ng gabinete noong Biyernes, ay itinutu­ring na unang rebisyon sa visa fees sa loob ng 48 taon, mula pa noong 1978.

Ipinaliwanag ni Fo­reign Minister Toshimitsu Motegi na ang pagbabago ay sumasalamin sa pagtaas ng presyo sa pangkalahatan, ngunit hindi niya inaasahan na magkakaroon ito ng agarang epekto sa papasok na turismo.

Dagdag pa rito, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na pinag-aaralan ng Japan ang mga hakbang upang gawing mas madali ang paglalakbay ng mga Pilipino patungo sa kanilang bansa.

VISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with