^

Bansa

Super Typhoon Inday lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Super Typhoon Inday lumakas
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni ST Inday ay namataan ng PAGASA sa layong 1,270 kilometro silangan ng Northern Luzon habang kumikilos sa lakas ng hangin na 195 kph at pagbugso na 240 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang Super Typhoon Inday habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa may Philippine Sea.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni ST Inday ay namataan ng PAGASA sa layong 1,270 kilometro silangan ng Northern Luzon habang kumikilos sa lakas ng hangin na 195 kph at pagbugso na 240 kph.

Nakataas ang Signal number 1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Isa­bela, northern portion ng Aurora, northern at central portions ng Catan­duanes, northeastern portion ng Quirino,  eastern portion ng Ifugao, Ilocos Norte, eastern portion ng Mountain Province, at northern portion ng Abra.

Sa susunod na 24 oras, si Inday ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng kanluran hilagang kanluran at saka babalik sa northwestward habang patuloy na nasa Philippine Sea at malapit sa Extreme Northern Luzon sa ?Biyernes, Hulyo 10 bago magtungo sa southern Japan at Taiwan.

Mananatili ang lakas ni Inday bilang isang Super Typhoon ngayong Huwebes, Hulyo ?9 at hihina sa bandang gabi.

Si Inday ay inaasahang lalabas ng PAR sa Sabado, ?Hulyo 11 at mag-landfall sa eastern coast ng mainland China sa Linggo, ?Hulyo 12.

SUPER TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with