^

Bansa

Enrile, 2 pang senador sama sa rali vs RH Bill

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Upang magpakita ng suporta, dadalo ngayon sina Senate President Juan Ponce Enrile, Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Gregorio “Gringo” Honasan sa isasagawang prayer rally kontra sa Reproductive Health Bill.

Ang tatlong senador ay dadalo sa misa na gagawin sa Edsa Shrine kasama ang mga naniniwalang hindi dapat pumasa ang panukalang batas kahit na sinusuportahan ito ng Malacañang.

Sina Enrile at Sotto ay kapwa mahigpit na kumokontra sa RH Bill habang si Honasan ay wala pang inihahayag na desisyon. Pero ayon kay Honasan, kahit na hindi pa niya inihahayag ang stand niya sa panukala, wala naman umanong masama kung dumalo siya sa nabanggit na misa para ipanalangin na tulungan siya sa gagawing pagpapasya.

Hindi rin anya dapat palabasin na ang RH Bill ay laban sa pagitan ng Aquino administration at ng kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Una kasi rito ay nagpahayag ng suporta ang Palas­yo sa RH Bill habang nag-atras naman ng suporta sa naturang panukalang batas ang mga kaalyado ng dating pangulo.

Samantala, sinabi ni Sotto na inimbitahan sila ni Enrile na dumalo sa naturang misa at sinabihan na kung maari ay magsalita sa prayer rally. Pero tumanggi si Sotto na magtalumpati pa upang hindi umano mahaluan ng pulitika ang nabanggit na pagtitipon.

EDSA SHRINE

HONASAN

MAJORITY LEADER VICENTE

PANGULONG GLORIA ARROYO

PERO

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SINA ENRILE

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with