DILG: Hotline 911 nagtala ng 96k emergency calls

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Unified 911 emergency hotline ng mahigit 96,000 tawag para sa iba’t ibang emergency sa unang 10 buwan ng 2026, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Mula Enero hanggang Oktubre 2026, umabot sa 96,447 emergency calls ang natanggap ng Emergency 911 National Call Center, kabilang ang mga kaso ng police assistance, sunog, medical emergencies, search and rescue operations, at karahasan laban sa kababaihan at mga bata.
Ayon sa DILG, may efficiency rate na 96.64 porsiyent o ang sistema, habang karaniwang naibibigay ang emergency assistance sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Sa ilang insidente, umaabot lamang sa isa hanggang dalawang minuto ang pagtugon.
Sinabi ng DILG na patuloy nitong pinatitibay ang koordinasyon sa mga ahensiya at lokal na pamahalaan upang mapabilis ang emergency response at matiyak na agad na naaabot ng tulong ang mga nangangailangang Pilipino.
- Latest


















