^

Bansa

P213 milyon ‘kickback’ inihatid kay Jinggoy .

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Isang bagsakan - Alcantara

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng state witness at dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na umabot sa P213 milyon na umano’y kickback ang inihatid nang isang bagsakan para kay Senador Jinggoy Estrada sa basement ng Diamond Hotel sa Maynila.

Sa ginawang pagtestigo kahapon sa Sandiganbayan, sinabi ni Alcantara na ang P213 milyon ay bahagi ng umano’y 25% “commitment fee” o kickback para kay Senador Estrada na may kaugnayan sa mga proyekto sa imprastraktura na nagkakahalaga ng P355 milyon sa Bulacan 1st District Engineering Office at P500 milyon naman sa Bulacan 3rd District Engineering Office.

Isiniwalat ni Alcantara na dinala at ibinigay ang malaking halaga ng cash sa isang bagsakan lamang sa nabanggit na lugar sa utos umano ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Aniya, ang kanyang driver na si Edrick San Diego ang naghatid ng pera mula sa kanyang tanggapan patungo sa nasabing hotel.

Ang pahayag na ito ay bahagi ng patuloy na mga pagdinig at testimonya na nag-uugnay sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan at mga dating DPWH  engineer may kinalaman sa mga kwestyonableng flood control at infrastructure fund scheme.

Una nang naghain si Estrada ng not guilty plea sa kaso na may kinalaman sa flood control mess.

ALCANTARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with