PANOORIN: Castro sa bashers: ‘Pilipinas ang pinapaganda, hindi si Marcos!’

MANILA, Philippines — Sinagot ni Palace Press Officer Claire Castro ang mga bumabatikos sa pagpapaganda ng bansa bilang bahagi ng paghahanda ng Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN Summit, iginiit na hindi pansariling interes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang layunin nito kundi ang imahe at kapakanan ng bansa.
Ayon kay Castro, nais lamang ng pamahalaan na maipakita sa mga lider at delegado mula sa ibang bansa na malinis at mapagkakatiwalaan ang Pilipinas bilang destinasyon ng mga pamumuhunan.
“Anong gusto nilang makita sa ating bansa? Isang maduming bansa?” tanong ni Castro.
Binigyang-diin niyang hindi ang sarili ng Pangulo ang pinapaganda kundi ang Pilipinas at ang kapakanan ng bawat Pilipino.
“Hindi mismo ang Pangulo ang nagpapaganda sa sarili niya, ang pinapaganda niya ay bansa at ang kapakanan ng bawat Pilipino,” ani Castro. — Martin Ramos
- Latest























