^

Bansa

2 estudyante ginawang patungan ng electric fan

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mananagot sa Commission on Human Rights (CHR) ang nasa likod ng pagpapakalat ng nakakaalarmang larawan sa ibat-ibang networking sites ng dalawang mag-aaral ng Zamboanga City High school na ginawang “stand” o patungan ng electric fan habang nagtatalumpati sa entablado ang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay CHR Chairperson Etta Rosales, inatasan na niya si Region 9 OIC Director Atty. Frederick Ian S. Capin para alamin at imbestigahan kung sino ang dapat na managot sa sinapit ng dalawang estudyante  na mistulang ginawang patungan ng electric fan.

Sa natunghayan na pang-aalipin, ipinagdiinan ni Rosales na malinaw na nilabag ang karapatan ng batang mag-aaral at kailanman ay hindi tama na ipamukha sa mga bata ang animo’y pagiging isang alipin sa harapan ng maraming tao.

Una  rito, umani ng batikos ang naturang larawan na naganap sa inagurasyon ng school building sa Zamboanga City High School at ang insidente ay naganap sa harapan mismo ni Education Secretary Armin Luistro, Mayor Celso Lobregat at marami pang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan at mga guro.  

AYON

CAPIN

CHAIRPERSON ETTA ROSALES

DIRECTOR ATTY

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

FREDERICK IAN S

HUMAN RIGHTS

MAYOR CELSO LOBREGAT

ZAMBOANGA CITY HIGH

ZAMBOANGA CITY HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with