^

Bansa

Pumapel sa CJ impeach ipuwera

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na dapat italaga ni Pangulong Noynoy Aquino bilang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema ang mga nominado na nagkaroon ng partisipasyon sa impeachment trial ng dating punong mahistrado na si Renato Corona.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang mga nominado para sa pagi­ging Punong Mahistrado ay mayroong karapatan na tumanggi o tanggapin ang nominasyon subalit nasa Judicial ang Bar Council (JBC) ang rekomendasyon para sa presidential appointment at  tatlo sa pinaka kwalipikado ang independent-minded nominees ang mapapagpilian ng Pangulo.

Subalit ang Pangulo umano ang siyang mayroong appointing authority kaya’t hindi dapat nito piliin ang mga personalidad na naging bahagi ng impeachment trial ni Corona.

Kabilang na dito ang mga nagsilbing prosecutors, judge o testigo o ang mga  inaakalang nagsabwatan upang mapatalsik sa pwesto si Corona.

Sinabi nito na dapat gamiting basehan ng Pa­ngulo sa kanyang pagpili ng susunod na CJ ang isang tao na may kredibilidad at independence.

Paliwanag pa ng mam­babatas, dapat na magkaroon ng kamalayan ang Pangulo sa negatibong dahilan kung bakit naalis sa puwesto si Corona kayat dapat ito ang ma­ging halimbawa upang alisin ang mga naliligaw na nominado sa pagka punong mahistrado.

ALBAY REP

AYON

BAR COUNCIL

CHIEF JUSTICE

EDCEL LAGMAN

KORTE SUPREMA

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PUNONG MAHISTRADO

RENATO CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with