^

Bansa

Pinoy aid worker, 3 pa, dinukot sa Kenya

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang aid worker na Pilipino at tatlo niyang kasamahan sa isang refugee camp sa Kenya ang dinukot ng hindi pa makilalang mga armadong tao kamakalawa. Napatay sa insidente ang kanilang driver at dalawa ang nasugatan.

Sinasabi sa isang ulat na ipinoste sa news site ng Somalia report at lumabas sa website ng GMA News na ang Pilipino at tatlo niyang kasamahan ay pawang nagtatrabaho sa Norwegian Refugee Council.

Sinasabi pa umano sa Somalia report na naganap ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga sa Ifo2 West Dadaab refugee camp na 100 kilometro ang layo mula sa hangganan ng Somalia.

Batay sa mga impormante, kinilala ng Somalia report ang mga biktima na sina Glenn Cotes, shelter project officer (Philippines); Stephen Denis, puno ng emergency program (Norway); Korat, country director (Canada); at isang livelihood officer mula sa Pakistan.

Binaril din ng mga suspek ang Kenyan driver ng mga biktima na nakilalang si Abdi Ali.

Naganap ang insidente sa unang araw ng kanilang pagbisita sa kampo makaraang duma­ting mula sa Nairobi, ayon sa report.

Ayon sa Somalia Report, papasakay sana ang apat na biktima sa isang sasakyang merong markang “UNHCR property” nang barilin ng mga suspek ang driver.

Isinagawa na ng Ken­yan military at police ang malawakang pagtugis sa mga kidnapper at pagsaklolo sa mga biktima. Natagpuan naman ang sasakyan ng UNHCR na inabandona sa may la­yong 20 kilometro mula sa kampo.

ABDI ALI

AYON

GLENN COTES

NORWEGIAN REFUGEE COUNCIL

PILIPINO

SINASABI

SOMALIA REPORT

STEPHEN DENIS

WEST DADAAB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with