^

Bansa

Gun license ng Customs clerk kinansela na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kinansela na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang lisensya ng baril ng isang clerk ng Bureau of Customs (BOC) at negos­yante na nasangkot sa pamamaril noong nakalipas na Enero 23 sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, tinanggalan na rin ng pribilehiyo para makapagbitbit ng armas sina BOC clerk Paulino Elevado at negosyanteng si Florencio Bato.

Sinabi ni Sr. Supt. Raul Petrasanta, chief ng PNP Firearms and Explosives Office, na matapos matanggap ang kautusan ng PNP chief ay kinansela na niya ang lisensya ng baril nina Elevado at Bato habang mismong si Bartolome na rin ang nagkansela sa Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ng dalawang suspect.

Sina Elevado at Bato ang natukoy na lulan ng Porsche sports car na inaresto ng Pasay City Police matapos na masangkot sa high speed driving na hinabol ng mga awtoridad sa SLEX kung saan ay nagpa­putok pa ang mga ito ng baril sa pangha-harass ng isang estudyante na bahagyang nasagi ng mi­namanehong Innova ang kanilang Porsche.

Nabatid na si Ele­ vado ay nagmamay-ari ng isang cal .40 Taurus pistol habang si Bato ay isang cal.45 SAM pistol na pawang naisyuhan ng PTCFOR.

Nasa kustodya ng Pasay Police ang baril ni Elevado habang binigyan na ng taning si Bato na isuko sa pulisya ang kaniyang cal. 45.

vuukle comment

BATO

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

ELEVADO

FIREARMS AND EXPLOSIVES OFFICE

FLORENCIO BATO

NATIONAL POLICE

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

PAULINO ELEVADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with