^

Bansa

Pag-utang ng P2-B ng governor kinuwestiyon ng solon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Bulacan Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza ang balak ni Bulacan Gov. Wily Alvarado na mangutang sa ngalan ng lalawigan ng P2 bil­yon mula sa Development Bank of the Philippines.

Ayon kay Mendoza, kaduda-duda umano ang tiyempo ng balak na pangungutang sapagkat dapat ay pumasok na sa kaban ng lalawigan ang ko­leksiyon nito para sa unang­ tatlong buwan ng taon.

“Nasaan ang koleksiyon? Bakit kailangan pa ng malaking halaga,” tanong ni Mendoza.

Bunsod nito, humingi si Mendoza ng paliwanag mula sa Sangguniang Panlalawigan sa kakaibang bilis na ginawa nito sa pagtatakda ng hearing sa kahilingan ni Alvarado ng pahintulot para maisagawa na nito ang pangungutang.

Sinabi rin ni Mendoza na napag-alaman niya na humingi ng pahintulot para sa pangungutang si Alvarado kahit na hindi pa kumpleto ang mga requirement para rito.

Bilang dating gobernador rin ng Bulacan, pinuna ni Mendoza na kakaiba iyon sa karaniwang sistema.

Nabatid niya na ti­nanggap ng SP ang sulat ni Alvarado para humi­ngi ng pahintulot noon lamang Abril  5 ng wala umanong konsultasyong isinagawa sa publiko at wala ring detalyeng isiniwalat tungkol sa balak na pangungutang.

Subalit agad na iti­nakda ng Sangguniang Pan­lalawigan ang pagdinig para rito sa darating na Miyerkules.

“At balak daw ng Sanggunian na dinggin ang kahilingan ni Gov. Alvarado at aprubahan ito sa loob din ng araw na iyon. Paano nila mapagaaralan ng maayos ang ganito ka-sensitibong bagay sa loob lamang ng ilang oras,” pagtatanong pa ni Mendoza.

ABRIL

ALVARADO

BULACAN GOV

BULACAN REP

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

MENDOZA

SANGGUNIANG PAN

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SHY

WILY ALVARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with