^

Bansa

5 Oposisyon tumanggap ng P1 bilyon kay GMA!

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Halos isang bilyong piso ang tinanggap umano na pork barrel kay Pa­ngulong Arroyo nina Risa Hontiveros-Baraquel, Congressman Ruffy Biazon, Congressman Teofisto “TG” Guingona, dating senador Frank Drilon, dating senador Ralph Recto at AKBAYAN partylist.

Sa mismong website ng Department of Budget and Management, lumalabas ang daan-daang milyon na pakinabang nina Baraquel, Biazon, Guingona, Drilon, Recto, at Akbayan kay GMA.

Noong 2004 ay tinulungan ng AKBAYAN party­list ni Hontiveros si GMA laban kay FPJ, bumuhos ng P25 million mula sa Priority Development Assistance Fund para kay Baraquel. P10 million naman ang napakinabangan niya mula sa Department of Public Works and Highways.

Noong 2005 o isang taon matapos ang halalan, nakakuha din ng P10 million si Baraquel mula sa kanyang pork barrel. Ang suma ng kanyang natanggap ay P45 million. Kung susumahin naman ang natanggap ng Akbayan na kinabibilangan ni Baraquel nung 2004 at 2005, P200 million ang nakuha nila sa gobyernong Arroyo.

Si Biazon naman ay kumubra ng P20 million mula sa PDAF at P50 million galing sa DPWH nung 2004. Nung 2005, nakatanggap siya ng P20M sa PDAF at P17.3M para sa public works.

Para naman kay TG Guingona, nung 2004 ay tumanggap siya ng P20 million sa PDAF at P50 million sa DPWH. Nung 2005 naman, P20 million ang kanyang alote galing sa PDAF at P20 million para sa public works.

Si former senators Drilon at Recto ay daang milyon din ang natanggap kay GMA. Nung 2004, nakatanggap si Drilon ng P178 million pork barrel. Si Recto ay kumubra ng P200 million nung 2004 at P120 million nung 2005 mula sa pork barrel na ipinamahagi ni GMA sa Senado.

Ayon sa mga ilang political experts, Hindi lang ito ang natanggap ng mga kandidato ng Liberal party mula kay GMA dahil 2001 pa lang ay nabiyayaan na sila dahil sa pagsuporta sa EDSA dos.

vuukle comment

AKBAYAN

BARAQUEL

CONGRESSMAN RUFFY BIAZON

CONGRESSMAN TEOFISTO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DRILON

GUINGONA

MILLION

NUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with