^

Bansa

Mar kulang sa kalyo - Chiz

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - “Kulang sa kalyo.”

Ganito isinalarawan ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang dahilan kung bakit mas pinili niyang iendorso sa pagka-bise presidente si Makati Mayor Jejomar Binay kaysa kay Sen. Mar Roxas.

Sinabi ni Escudero na kabilang sa mga pinagbasehan niyang kwalipikasyon sa pagpili ng pangalawang pangulo ay isang tao na hindi mayaman, hindi ilustrado ngunit isang matapang na tao at may isang salita at tunay na miyembro ng oposisyon.  

Ayon kay Escudero, ka­pag ang tao ay sinabihan na kulang sa kalyo o walang kalyo, mayaman ito o hindi nagtratrabaho o nahihirapan.

Sinabi pa ni Escudero na maliwanag na isang mahirap rin lang ang maaring makakatulong sa kapwa mahihirap dahil ito ang may tunay na alam ng mga nangyayari sa mga ito.

Hindi anya dapat ma­ging sanhi ng problema sa Liberal Party ang kanyang endorsement kay Binay na isang tunay na Pilipino at galing sa mahirap.

Ang mga pinagdaanan umano ni Binay at kung paano naangat ang Makati ay isang matibay na patunay na kung paano tuluyang masasawata ang problema sa bansa.

Sinegundahan naman ito ng Pesante, isang grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa Rizal. Ayon sa grupo, hindi malayo ang mga hinala ng isang Mar-royo tandem dahil na rin sa mga ipinapakita ni Roxas.

“Sa mahabang panahon ay sinuportahan ni Roxas si Mrs. Arroyo. At nagkakasundo sila sa mga economic policies, lalo na sa EVAT na sinuportahan ni Roxas,” pahayag ng pangulo ng Pesante na si Evangeline Mendoza.

AYON

BINAY

EVANGELINE MENDOZA

ISANG

LIBERAL PARTY

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MAR ROXAS

MRS. ARROYO

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with