^

Bansa

5.6 milyong kabataang Pinoy hindi nag-aaral

-

MANILA, Philippines - Inamin ng Department of Education na umaabot na sa nakapanlulumong 5.6 milyong kabataang Pinoy ang hindi nakapag-aaral ngayon sa buong bansa dahil sa iba’t ibang rason.

Pangunahin umano sa mga dahilang ito ang labis na kahirapan sa maraming lugar sa Pilipinas kung saan hindi makayanan ng mga pamilya ang pagtus­tos sa mga kagamitan sa paara­ lan kahit na gina­wang libre ang pag-aaral ng mga bata.

Dahil dito, target ng DepEd na kunin ang tulong ng mga local na pama­ha­laan sa pamamagitan ng programang “Reaching All Children (REACH)” kung saan layon na mahikayat na makabalik sa mga pa­ara­lan ang mga kabataan at makapag-aral.        

Magiging tungkulin umano ng mga “local government units” na tukuyin ang mga “out of school youths (OSY)” sa kanilang mga barangay at hikayatin na bumalik sa pag-aaral ang mga ito. (Danilo Garcia)

DAHIL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

INAMIN

MAGIGING

PANGUNAHIN

REACHING ALL CHILDREN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with