^

Bansa

Mababang smoking rate sa Sweden, may dalang aral sa Pinas - expert

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang tagumpay ng Sweden sa pagpapababa ng smoking rate nito sa pinakamababang antas sa mundo ay may dalang mahahalagang aral para sa mga policymaker sa Pilipinas na naghahangad mabawasan ang masamang epekto ng tradisyunal na sigarilyo sa kalusugan, ayon kay Dr. Lorenzo Mata, pangulo ng Quit for Good at tagapagtaguyod ng tobacco harm reduction.

Sa 2nd National Summit on Nicotine and Harm Reduction, sinabi ni Mata na nasa 5.4 porsiyento lamang ng mga Swede na edad 16 hanggang 84 ang araw-araw na naninigarilyo noong 2024, isa sa pinakamababang antas sa buong mundo.

Isa aniya sa mga nakatulong dito ang paggamit ng mga alternatibong produktong nicotine gaya ng snus. Gayunman, nilinaw ni Mata na magkaiba ang sitwasyon ng Sweden at Pilipinas dahil sa pagkakaiba ng kultura, sistemang pangkalusugan at kalagayan ng mga naninigarilyo.

Aniya, ang mahalagang aral ay ang paggamit ng siyentipikong ebidensiya upang mabawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpigil sa pagsisimula ng paninigarilyo, pagprotekta sa kabataan, pagtulong sa mga nais huminto, at pagbibigay ng ligtas at de-kalidad na alternatibo para sa mga adult smoker.

Nagbabala naman si Mumbai-based cardiologist Dr. Rohan Sequeira na maaaring lumampas sa 10 milyon kada taon ang bilang ng mga namamatay dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa tabako pagsapit ng 2030 kung hindi kikilos ang mga pamahalaan.

Ayon kay Professor Eric Castillo ng CAPS and Partners Inc., mahigit 90 bansa na ang may regulasyon sa mga alternatibong nicotine products tulad ng e-cigarettes, heated tobacco products at Swedish snus.

Aniya, kinikilala na rin sa ilalim ng Republic Act 11900 ang prinsipyo ng harm reduction sa Pilipinas. Sinabi naman ni Anton Israel ng Nicotine Consumers Union of the Philippines na nakatulong umano ang pagkakaroon ng mga alternatibo sa sigarilyo sa pagbaba ng smoking rates sa Sweden, United Kingdom, New Zealand at Japan.

Paliwanag ni Mata, bagama't nakaaadik ang nicotine, ang usok ng sigarilyo ang naglalaman ng libu-libong kemikal, kabilang ang mga sangkap na maaaring magdulot ng kanser.

Aniya, ang layunin ng harm reduction ay hindi alisin ang lahat ng panganib kundi mabawasan ang peligro kumpara sa patuloy na paninigarilyo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with