PANOORIN: Dito nagtrabaho ang media sa 49th ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Sa loob ng tatlong araw, naging sentro ng trabaho ng mga lokal at dayuhang peryodista, mamamhayag at media ang World Trade Center sa Pasay City sa pagho-host ng Pilipinas ng 49th ASEAN Summit.
Nagsilbi itong International Media Center mula Nobyembre 15 hanggang 17, kung saan nagtrabaho ang mga mamamahayag at iba pang media worker upang maihatid ang mga pinakabagong balita tungkol sa summit sa iba't ibang panig ng mundo.
Iba't ibang pasilidad at lugar na mapagtatrabahuhan ang inilaan para mapadali ang pagbabalita at koordinasyon ng mga miyembro ng media.
Ngayong natapos na ang summit, silipin natin ang naging tahanan ng mga mamamahayag sa loob ng tatlong araw ng ASEAN coverage.
- Latest

















