^

Bansa

Pangulong Marcos nasa China para sa APEC Summit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nasa China para sa APEC Summit
Dumating sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Shenzhen Bao’an International Airport sa Shenzhen, China nitong Miyerkules ng gabi, Nob­yembre 18, upang dumalo sa 2026 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting. Ang pagbisita ay kasunod ng matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa ika-49 na ASEAN Summit na ginanap sa Maynila.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Lumipad patungong China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang dumalo sa tatlong araw na Asia-Pacific Econo­mic Cooperation (APEC) Summit.

Sa kanyang departure statement, sinabi ng Pangulo na inimbitahan siya ni Chinese President Xi Jinping na makilahok sa APEC meeting na ginaganap sa Shenzhen, China mula Nobyembre 18 hanggang 19.

Ayon kay Marcos, hindi palalampasin ng kanyang administrasyon ang mga oportunidad na dulot ng patuloy na paglago ng mga ekonomiya ng APEC, na inaasahang lalago ng 3.7 porsiyento sa 2026, mas mabilis kumpara sa pandaigdigang ekonomiya.

“We will engage China constructively on expanding trade, investment, and people-to-people exchanges that benefit our peoples, even as we remain steadfast in upholding our national interest. Our message is clear: the Philippines is open for business. Invest in the Filipino,” ani Marcos.

Sinabi rin ng Pa­ngulo na dadalhin ng delegas­yon ng Pilipinas sa APEC Summit ang mga natamong tagumpay ng bansa sa pagpapalawak ng free trade network, na aniya’y pinakamalawak at pinakaaktibo sa kasaysayan ng bansa.

Dagdag niya, nakahanay sa pambansang development agenda ng gobyerno ang mga pa­ngunahing tema ng APEC ngayong taon na pagiging bukas, inobasyon, at pagkakaisa.

Gagamitin aniya ng Pilipinas ang summit upang higit pang mapalakas ang ugnayang pangkalakalan sa mga kasaping ekonomiya at makahikayat ng mas ma­raming pamumuhunan na lilikha ng dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with