Pangulong Marcos: Pax Silica hindi lalagdaan

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pipirmahang kasunduan kaugnay ng Pax Silica project sa kasalukuyang pagbisita ni United States President Donald Trump sa Pilipinas.
Ito ang nilinaw ng Pangulo sa gitna ng kanilang bilateral meeting sa Malacañang.
“No, not on this trip. We are not covering that on this trip,” ani Marcos nang tanungin kung magkakaroon ng paglagda sa kasunduan.
Sinang-ayunan ito ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton at sinabing wala talagang nakatakdang signing ceremony para sa proyekto.
Ang Pax Silica ay isang inisyatibong pinangungunahan ng Estados Unidos na layong palakasin at siguruhin ang supply chains para sa artificial intelligence (AI), semiconductors, critical minerals, at iba pang advanced technologies.
Sumali ang Pilipinas sa naturang programa noong Abril 2026 bilang ika-13 bansang lumagda sa inisyatibo.
Sa ilalim ng panukalang proyekto, nakatakdang magtayo ng industrial hub sa loob ng Luzon Economic Corridor sa New Clark City sa Capas, Tarlac na magsisilbing AI-focused manufacturing, at investment zone.
Nasa Pilipinas si Trump para sa dalawang araw na state visit, kung saan nakibahagi siya sa ASEAN-US Special Summit, Quad Leaders’ Meeting, at bilateral meeting kay Pangulong Marcos.
- Latest

















