^

Police Metro

Magdyowa patay sa sunog sa Cubao

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-live in matapos na sila ay na-trap sa banyo ng tinutuluyang bahay na nasusunog na naganap nitong Lunes ng hapon sa Standford St., Cubao, Quezon City.

Ang lalaking nasawi ay  isang 30-anyos habang ang babae ay  26-anyos.

Sa imbestigasyon, alas-5:00 ng hapon nang magsimula ang sunog na itinaas sa ikaapat na alarma alas-5:21 ng hapon.

Sa ulat,namamasada umano ang lalaking biktima at pagdating sa lugar ay pumasok ito sa nasusunog na bahay upang iligtas ang natutulog na live-in partner, subalit hindi na ito nakalabas.

Ayon sa nakababatang kapatid ng lalaking biktima, nag-alala siya nang hindi na matawagan ang dalawa sa telepono habang siya ay nasa Rizal, kaya agad siyang lumuwas patungong Quezon City.

 “Nang hindi ko ma-contact ang kuya ko at ang asawa niya, pinuntahan ko agad dito. Sabi ng mga tagarito, pumasok ang kuya ko kahit malakas na ang sunog kasi gigisingin daw niya ang asawa niya na natutulog doon. Pinapigilan siya ng mga tao dahil malaki na ang apoy, pero nagpumilit pa rin siya at hindi na nakalabas,” pahayag ng kapatid.

Tinatayang 120 kabahayan ang natupok at humigit-kumulang 200 pamilya ang naapektuhan sa nasabing sunog.

Nahirapan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy dahil sa masisikip na eskinita.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng apoy at ang kabuoang halaga ng napinsalang ari-arian.

 

 

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with