^

Police Metro

Defense team sa prosec team: May tsansa pero bigo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkaroon umano ng tsansa ang prosecution, subalit, bigo pa rin ang mga ito na mapatunayan ang kasong iniharap sa Senate impeachment court.

“The prosecution had its chance. It failed. On Monday, the Vice President begins her defense,” buong pagmamalaking pahayag ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., Spokesperson ni VP Sara sa isang press statement.

Aniya, hindi tayo maaring mabuhay sa da­lawang mundo, isa kung saan ang due process at patas na paghuhusga ay nanatiling umiiral, kung saan ang isang akusado ay nahusgahan na bago pa man ito mapakinggan at kung ang alegasyon ay napatunayan na sa malinaw at tamang mga ebidensya na ipriprisinta sa korte.

Ginawa ni Panelo ang pahayag bilang tugon kay Kapunan  na sinabing si VP Sara ang pinakatumpak at nangungunang testigo sa ‘unexplained wealth’ nito at wala na aniyang iba pa kaugnay ng P817.87 milyong umano’y paglobo ng kayamanan nito at ng kaniyang mister na si Atty. Mans Carpio.

Una na ring pinarunggitan ni Kapunan si VP Sara na matapang lang umano sa salita pero duwag dahilan hindi kayang humarap sa ­Senate impeachment court at magpaliwanag.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with