Malacañang: Hindi dapat i-tolerate aide ni Romualdez
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malacañang ng mas malalim na imbestigasyon hinggil sa ulat na may nakatalagang 24/7 personal assistant o special aide si dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kung mapatutunayang special treatment ito, hindi dapat ito i-tolerate o gawing kustombre sa mga kulungan.
Nilinaw rin niya na kailangang mabatid muna ang buong sitwasyon, kabilang na kung mayroon mang medikal o mental health condition si Martin Romualdez na nangangailangan ng round-the-clock na tulong. Sinabi naman ng pamunuan ng New Quezon City Jail sa Sandiganbayan na pinayagan ang personal assistant batay sa “humanitarian grounds” dahil hindi pa umano stable ang mental health ni Martin Romualdez.
Sa sandali aniyang mapatunayan na parang may maluhong pamumuhay sa loob ng kulungan si Romualdez ay hindi ito dapat payagan.
Tama rin ang pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang pagbisita sa bilangguan ay hanggang alas-5:00 lang ng hapon, subalit iba ang sitwasyon kapag ang abogado ang dumadalaw sa kliyente.
- Latest















