^

Police Metro

Nursing student ni-rape/slay

Joy Cantos - Pang-masa
Nursing student ni-rape/slay
Map of Oriental Mindoro showing the location of Calapan
Wikipedia / Mike Gonzalez

Bangkay itinapon sa bakanteng lote

MANILA, Philippines — Isang 20-anyos na babaeng nursing student na hinihinalang hinalay muna bago pinaslang ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sapul, Calapan City, Oriental Mindoro nitong Sabado.

Kinilala ang biktima sa pangalang Maru, residente ng Brgy. Labonan, Bongabong , Oriental Mindoro at isang 3rd year nursing student sa St. Anthony College sa lungsod.

Ang biktima ay may tama ng saksak sa dibdib at nakababa ang panty na isang indikasyong hinalay ito pero kailangan pa aniya ng resulta ng pagsusuri ng kanilang forensic team bago ito ganap na ideklara.

Sa report ng Oriental Mindoro Provincial Police, ala-1:15 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa madilim na bahagi ng Brgy. Road sa nasabing lugar.

Posible umanong inabangan ng suspect ang biktima dahilan madilim sa lugar kung saan ito naglalakad patungo sa kanilang tinutuluyan.

Isinasailalim na ng mga otoridad sa masusing imbestigasyon ang kaso habang nirerebyu na rin ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang nasa likod ng krimen.

CALAPAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with