^

Bansa

Mga ospital welga!

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagbanta ang ilang mga ospital sa bansa na magdaraos ng “hospital holiday” sa Sabado, Agos­to 15 kapag ipinatupad ang Cheaper Medicines Law.

Gayunman, hindi tinu­koy ni Health Undersecre­tary Alex Padilla ang mga pangalan ng mga paga­mutan na nagbabantang mag-welga sa unang araw ng implementasyon ng naturang bagong batas.

Iginigiit umano ng mga naturang ospital na mapa­lawig pa ng anim na buwan bago tuluyang ipatupad ang bagong presyo sa mga gamot dahil kailangan mu­ nang maubos nila ang kani­lang mga stocks na nabili pa nila sa mahal na halaga.

Hindi naman umano sinang-ayunan ng DOH ang kanilang kahilingan dahil matagal ng nabibin­bin ang pagpapatupad ng mas mababang presyo sa mga gamot.

Iginiit pa ng DOH na kinakailangang sa Agosto 15 ay maramdaman na ng taumbayan ang naturang price cut, alinsunod sa Cheaper Medicines Act.

Inaasahang sa nasa­bing petsa ay pormal na ipatutupad ang hanggang 50 porsyentong kaltas sa presyo ng mga essential medicines sa bansa base sa boluntaryong price cut sa mga produkto ng mga pharmaceutical firms habang ang ibang gamot naman ay isinailalim sa maximum drug retail price (MDRP) ng pamahalaan, batay sa nilagdaang exe­cutive order (EO) ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga naturang gamot na “compulsory” na baba­baan ng presyo ay pang­lunas sa mga sakit na cancer, high blood, impeksyon at mataas na cholesterol.

AGOSTO

ALEX PADILLA

AYON

CHEAPER MEDICINES ACT

CHEAPER MEDICINES LAW

GLORIA MACAPA

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

HEALTH UNDERSECRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with